Mapa: Hill 331
Replay: sundan ang link na ito.
Shoutcast mp3: sundan ang link na ito.
Mga manlalaro:
Axis -
silentbreacher
kan707
fuckito
Allies:
chomp86
jokeb00k
RiseofHell666
Ipagpaumanhin ninyo ang Battle Report na ito, ngunit masasabi ko na ang laban na ito ay tiyak na magiging kapanakapanabik. Kulang na ako sa oras upang iupload ang mga screenshots ngunit ibibigay ko na lang ang mga importanteng bagay na nangyari sa larong ito. Salamat kay Kirchoffs(fuckito) at kan707 sa kanilang malupit na pakikibaka laban sa mga Amerikano.
Normal na nagsimula ang laban. Ang lahat ay gumawa ng kani-kanilang mga barracks at wehrmacht quarters maliban kay fuckito na nagsimula bumuo ng 3 pio squads.
Habang si silentbreacher naman ay maagang pinuntirya ang fuel point sa pagitan ng 2 vp.
Naging marahas ang unang kontak sa fuel point na ito at pinagtalunan ito ng allies at axis. ngunit sadyang malakas ang mga riflemen ng allies at napwersang umuwi ang mga aleman.
sa bandang ito, sa panig ni fuckito, nagulat na lamang kami nang makita naming puro pioneer ang lumalabas sa kanyang base at nagsimula na itong magpio-spam. Bagay na aking kinataka gayundin ni RiseofHell666 na kanyang katapat.
Nahirapan si silentbreacher na kupkupin ang mga points sa kanyang parte ngunit sumugod para sa isang saklolo si kan707 sa mga sandaling iyon. bagamat hirap pa rin ang axis na kunin ang kaliwang bahagi ng mapa, hindi natinag ang mga axis.
Subalit unti-unti nang nilalamon ng allies ang mapa. Dahilan para makapagpataas ng antas ng teknolohiya ang allies para sa kanilang mga upgrades. Nagsulputan ang mga BAR at Armored car.
Sa mga sandaling iyon ay nakapili na rin ang axis nang kani-kanilang mga doktrina. Si silent at fuckito ay defensive, at si kan707 naman ay blitzkrieg.
Nagkaroon ng kaunting kabagalan sa laro ngunit malinaw na ang mga strategic points ay pilit na kinukuha ng axis.
Salpukan sa kaliwang bahagi ng mapa ang naganap, at ang mga hamak na volksgrenadiers ni kan707 ay nakagawa ng isang matinding kontak laban sa mga amerikano habang sinusuportahan ni silent.
Sa kabilang banda, ang hukbo ni fuckito ay naging mga magsasaka, dahil pinuno nya ang kanang bahagi ng mapa ng mina. Ang kanyang tanging naging suporta ay ang kanyang mga sniper na kung hindi ako nagkakamali ay 10 sniper ang nagawa ng manlalaro.
Bagamat unti-unti nang lumalakas ang axis, lalo rin namang lumakas ang allies. sunod sunod na pagsugod ang ginawa nito hanggang sa maipit muli ang kaliwang bahagi ng mapa. napasabog ang med bunker ni silent at maraming sundalong aleman ang nasawi.
napagdesisyunan ni silent na maging isang suporta at maging magnanakaw na lamang ng points, samantalang si fuckito ay nagsimula na ring magtayo ng halimaw na Flak 88 cannons sa bandang gitnang vp. Hindi nagkamali si fuckito sa taktikang ginawa at masasabi kong kinain ko ang aking sinabi.
Alam ng mga aleman na sadyang lamang sa yaman ang mga amerikano, dahilan para maging pabaya ang manlalarong si RiseofHell666. Pinili nya ang Armored company at nagsimula nang magtayo ng mga armada ng mga tangke.
Sa mga sandaling iyon ay nabutas ang depensa ng axis sa lahat ng sulok ng mapa, ngunit malaking pinsala rin ang natamo ng mga amerikano, dahilan para sila ay magtipon para sa susunod na paglusob.
Gaya ng aking hinala, isang pulutong ng mga tangke ang lumusob sa base ni kan707 at nagsimula nang pagsamantalahan ang punong gusali ni kan707. Ngunit lingid sa kaalaman ni RiseofHell666, nagtatayo na muli si fuckito ng mga 88. Habang si silentbreacher naman ay naglabas ng Panzer IV para makatulong sa depensa.
Dahil sa sunod2x na pananamantala ng mga allies sa base ng mga axis ay hindi na nila napuna na ang mga naiwan na sundalong aleman ay nagsimula nang kumain ng mga strategic points. dito na nagsimula pumantay ang laban.
Hindi nagpaiwan ang mga amerikano sa walang katapusang pagharabas sa mga aleman, ngunit nang malaman nilang halos lahat ng mga points ay nasa axis na, dito na sila natigilan...
Mga kalakasan at kahinaan:
silentbreacher - agresibong pananakop sa mga points sa unang bahagi ng laban; ginanapan ang pagiging suporta kay kan707 at fuckito pagdating sa gitna hanggang sa huling bahagi ng laro.
kahinaan: watak-watak ang hukbo; kulang sa kahasaan sa pakikipagtunggali sa isang team match; bigo sa pagsakop sa kaliwang bahagi ng mapa sa unang parte ng laban.
kan707 - marahil ang kanyang doktrina ang nagbigay daan sa kanya upang pumatas ang laban sa unang bahagi; malupit na paggamit ng assault grenades; agresibo at nagtayo ng isang matinding depensa sa kaliwang vp.
kahinaan:
fuckito - ang inakalang mahihinang pio-spam laban sa mga amerikano ay nadiskaril salamat sa kanyang maagang kampkraft center; nagtayo ng isang matinding depensa sa gitna at kanang bahagi ng mapa.
kahinaan: ginawang taga-nakaw ng mga points ang mga sniper, hindi rin gaanong nagamit ang mga sniper bilang spotter para sa kanyang mga naitayong mga 88.
kalakasan ng allies:
agresibo; maagap
kahinaan:
kulang sa komunikasyon at nag-kanya2x nang unti unting napupunit ang armored company.
--------------------------
Pipilitin kong makagawa ng isa pang report para sa laban na ito. Ngunit hindi ko pa ito matitiyak mga kaibigan.
P.S.
ang mga manlalaro ng CoH sa tipidpc.com ay inaanyayahan para sa isang laro na magaganap bukas, 2 p.m. Magkita kita tayo sa Manila chat room.
Friday, October 16, 2009
Tuesday, October 6, 2009
Kirchoffs and Borador vs. Allies (2on2)
Isang replay na ipinamahagi ng ating butihing kaibigan na si SatansKillingMachine ang masasaksihan natin ngayon. Ipapakita nya ang isang stratehiya ng Wehrmacht laban sa Boudica Boys ng Allies. Hindi ko na muna gagawan ito ng Battle Report dahil wala pa akong pang-edit ng mga pictures. Kaya paumanhin mga kaibigan. T_T
(Spoiler)
Maaga matatapos ang laban ngunit pakinggan natin at panoorin Pio-spam tactics, ang isang napaka-epektibong paraan ni Kirchoffs para manaig sa labang ito.
Mapa: Loraine
Mp3: i-click ang link na ito
Replay (Panoorin sa CoH 2.6): i-click ang link na ito
(Spoiler)
Maaga matatapos ang laban ngunit pakinggan natin at panoorin Pio-spam tactics, ang isang napaka-epektibong paraan ni Kirchoffs para manaig sa labang ito.
Mapa: Loraine
Mp3: i-click ang link na ito
Replay (Panoorin sa CoH 2.6): i-click ang link na ito
Subscribe to:
Posts (Atom)