Thursday, September 24, 2009

Ang Pagbabalik...

Sa wakas, maayos na uli ang PC ko, matapos kong bilhan ng bagong power supply ang aking munting investment, bumigay naman ang motherboard ko pagkaraan ng tatlong araw. Kinailangan kong maghintay ng 2 linggo para sabihin sa akin na tuluyan nang namatay ang aking motherboard, pero ang mga tao naman sa Gilmore ay kusang pinalitan ang aking board, salamat sa warranty nito. :)

Balik sa laro, balik sa saya. :)

Pero sa ngayon ay nangangapa uli ako pagkaraan ng 2 linggong pagkakawala sa CoH. Nawa'y sa mga nagbabasa ng Pinoy CoH, kung mayron kayong mga replays, send nyo lang. ok? :D

Sa ibang balita, nagwagi ang aking idolong si Sepha sa katatapos lang ng tournament na ginawa ng gamereplays.org, hindi ko pa napapanood ang mga detalye pero base sa interview na nabasa ko sa kanilang site, maraming mga bagong stratehiyang inilabas ang pamosong manlalaro na nagdala sa kanya sa pagkapanalo sa patimpalak. Congratulations on your win Seph!