Oo mga kaibigan tama! Magkakaroon na ng battle reports ang Pinoy CoH! May natapos na ang inyong abang lingkod na shout cast kaninang umaga at sisimulan na nyang gumawa ng aktwal na battle reports bukas pagkatapos sa opisina.
Sana'y magustuhan nyo ang darating na battle reports. :)
Monday, March 30, 2009
Saturday, March 28, 2009
Bawal ang Palusot.
Pag nalalagay ang tao sa alanganin, madalas hahanap at hahanap ito ng lusot. Sa CoH, Bawal ang Palusot.
Lalo na kapag alam mong parehas lamang kayo ng antas ng iyong kalaban. Dahil hawak mo sa iyong hukbo ang lahat ng kinakailangan upang magapi ang iyong kaaway. Gaya ng kaso ko. Bago mag-simula ang blog na ito ay halos lahat ng aking mga nalaro ay nauwi sa tagumpay. Subalit ngayong araw, nakatunggali kong muli ang isa sa aking mga hinahangaang manlalaro ng laro na si Nabil (taga Croatia sya kung hindi ako nagkakamali), sa pagkakataong kami ay muling nagharap, laking akala ko na matatalo ko na ang aking idolo, ngunit wala pa rin akong nagawa.
Hindi ako nagpapalusot. Dahil alam kong maraming mail sa aking mga ginawa. Bilang isang manlalaro nito, malugod kong tinanggap ang aking pagkatalo at kinakailangan kong magsanay pa ng mabuti upang maitabla ang laban na muli. :)

Thursday, March 26, 2009
Tales of Valor palabas na!!!
Ang pangatlong serye ng CoH, ang Company of Heroes: Tales of Valor ay nakatakdang ilabas sa April 8, 2009 at kasalukuyan nang ibinebenta sa Amazon.com sa halagang $27.99! Sino kayang mabait na nilalang ang pwedeng magregalo saken nito? Mwehehehe!
Bagamat nakakuha ang Tales of Valor ng maraming kritiko mula sa mga masusugid na manlalaro ng CoH, nais ko pa ring makita ito at malaman ang mga sagot mula sa aking sariling pananaw kung sadyang minadali lang ng Relic ang pagtapos sa larong ito.
Hoy, regaluhan nyo na ko, magbbirthday na ko eh. ^__^
Labels:
Company Of Heroes,
News,
pre-order,
Relic,
Tales of Valor
Wednesday, March 25, 2009
Ang Paggamit ng Suppression.
Bakit kailangan ang suppression? Para saan ba ito? Ano namang magagawa neto saken?
Aba. Malaki.
ang heavy machine gun squad ay kinikilala sa larong ito bilang isang unit na may kakayahang umipit ng infantry sa linya ng putukan. Ang HMG squad, kung ito ay malalagay sa isang posisyon sa mapa na may malaking importansya sa maagang panahon ay maari ring magsabi ng kahihinatnan ng laro.
Sa kabilang banda, hindi sila kagaya ng mga normal na infantry squad sapagkat kinakailangan silang ipwesto ayon sa kanilang sakop ng pagtira.
Kung sila ay nasa loob ng isang building, kusa itong haharap sa kalaban (ngunit depende kung may bintanang bukas o butas na masisilipan).
Dahil nakakapababa at nakakapahinto ng mga infantry units ang suppression, ang mga regular na units ay maari nang sumugod at tapusin ang trabaho.
Monday, March 23, 2009
Ito ang Pinoy Company of Heroes!
Oo! Ito ang blog na magsisilbing Pinoy Version ng isa sa mga pinakamalupit na laro na ginawa ng THQ at Relic, ang Company of Heroes.
Inaamin ko na isa akong alipin ng RTS games. Ang laro na nagbigay sa akin ng matinding pagnanasa sa larong ito ay walang iba kung hindi ang Command and Conquer. Dito binubuo ang mga units, gayundin ang iyong base para supilin ang kalaban.
Lumipas ang mga taon at naglabasan ang iba pang magagandang laro, Warcraft, Battle Realms, Age of Empires at marami pang ibang mga RTS games. Ngunit ang mga nasabi kong laro marahil ang mga larong tumatak sa isip ng karamihan.
At ilang taon pa ang lumipas at unti unti nang nawawala ang RTS sa eksena ng aking buhay bilang isang manlalaro, hanggang sa dumating ang Command and Conquer 3. Sadya akong napamangha ng laro at maging ang istilo ng paglalaro ay maraming nabago.
Ngunit Isang laro ang tuluyang nagpabaling ng aking atensyon sa laro. Ang Company of Heroes. Una ko itong nalaro noong 2006 o 2007, maraming salamat sa aking kaibigan na nakipagpalit sakin ng installer. Noong una, inisip ko na bakit ang tema ng laro ay makaluma (ang tema ng laro ay base sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig), ngunit nagtataka ako kung bakit tuwang-tuwa ang aking kaibigan at sinabi nya na maging ako ay maeenganyo na laruin ang nasabing laro.
At hindi nga ako binigo ng kaibigan ko. Unti-unti, ang bawat aspeto ng isang RTS ay pinagsama-sama na sa larong ito. Ang mga aspetong sinasabi ko ay ilalathala ko sa susunod kong post. Mahirap alisin sa sistema ng tao ang isang bagay na nakasanayan na. Gaya ng C&C, ang CoH ang bumasag sa record ng larong minsang minahal ko. :)

Subscribe to:
Posts (Atom)