Oo! Ito ang blog na magsisilbing Pinoy Version ng isa sa mga pinakamalupit na laro na ginawa ng THQ at Relic, ang Company of Heroes.
Inaamin ko na isa akong alipin ng RTS games. Ang laro na nagbigay sa akin ng matinding pagnanasa sa larong ito ay walang iba kung hindi ang Command and Conquer. Dito binubuo ang mga units, gayundin ang iyong base para supilin ang kalaban.
Lumipas ang mga taon at naglabasan ang iba pang magagandang laro, Warcraft, Battle Realms, Age of Empires at marami pang ibang mga RTS games. Ngunit ang mga nasabi kong laro marahil ang mga larong tumatak sa isip ng karamihan.
At ilang taon pa ang lumipas at unti unti nang nawawala ang RTS sa eksena ng aking buhay bilang isang manlalaro, hanggang sa dumating ang Command and Conquer 3. Sadya akong napamangha ng laro at maging ang istilo ng paglalaro ay maraming nabago.
Ngunit Isang laro ang tuluyang nagpabaling ng aking atensyon sa laro. Ang Company of Heroes. Una ko itong nalaro noong 2006 o 2007, maraming salamat sa aking kaibigan na nakipagpalit sakin ng installer. Noong una, inisip ko na bakit ang tema ng laro ay makaluma (ang tema ng laro ay base sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig), ngunit nagtataka ako kung bakit tuwang-tuwa ang aking kaibigan at sinabi nya na maging ako ay maeenganyo na laruin ang nasabing laro.
At hindi nga ako binigo ng kaibigan ko. Unti-unti, ang bawat aspeto ng isang RTS ay pinagsama-sama na sa larong ito. Ang mga aspetong sinasabi ko ay ilalathala ko sa susunod kong post. Mahirap alisin sa sistema ng tao ang isang bagay na nakasanayan na. Gaya ng C&C, ang CoH ang bumasag sa record ng larong minsang minahal ko. :)
Monday, March 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment