Marami sa atin ang naghahangad na gumaling sa isang bagay. Sino bang ayaw maging magaling hindi ba? Sa usapan ngayong araw na ito, pagtutuunan natin ang kahalagahan ng Skirmish mode laban sa Multiplayer mode ng Company of Heroes.
Sa aking pananaw, ang karamihan sa mga batikang manlalaro ngayon ng CoH ang nagsimulang magsanay sa Skirmish mode. Oo, malaking bagay ang Skirmish sa mga bagong manlalaro lalo na kapag kinikilala pa lamang nila ang bawat units, ang mga panuntunan ng laro at mga stratehiya.
Ngunit sa kasamaang palad, marami sa ating mga manlalaro ang napapalagi sa paglalaro ng Skirmish at pagsabak na sa multiplayer games ay doon na nagkakaroon ng maraming aberya. Dahilan para sa ibang manlalaro na magkaroon ng masamang impresyon sa kanilang nakalaban (e.g. madaya, madugas etc.)
Ang AI ng CoH (lalo na sa 2.600 sa Expert Mode) ay talaga nga namang matindi at bibigyan ka talaga ng pagkakataong ilabas ang iyong mga nalalaman sa laro. Ngunit sa aking pananaw, iba ang nagagawa ng tao laban sa AI.
Sa aspeto ng stratehiya, oo maraming mga stratehiya ang maaaring gamitinng AI laban sa iyo ngunit iba pa rin talaga, gaya nga ng nasabi ko kanina. Bukod dito, ang AI ay may ilang mga bagay na hindi na ginagawa ng normal na taong naglalaro ng CoH.
Malipat naman tayo sa Multiplayer mode. Hindi mahirap maghanap ng kalaban sa CoH. Sa unang salpak ko sa laro sa Multiplayer mode, maari mong gamitin ang basic match para hindi maapektuhan ang iyong ranking. Nandyan ren ang Automatch na kusang maghahanap ng mga manlalaro na kasing-taas ng iyong ranking.
At mas maganda kung mayroon kang makakalabang manlalaro na sadyang mas magaling sa iyo. Matalo ka man, maari mong pag-aralan ang mga stratehiyang ginamit laban sa iyo upang sa susunod ay malaman mo na mga hakbang para lusutan ang mga ito.
Sa aking pagtatapos, masasabi ko na kung kinikilala mo pa lang ang laro, Skirmish ang para sayo. Pero kung nais mo nang matutunan ang tunay na pakikipagtunggali sa iyong mga kalaban, mag-Multiplayer ka na. :)
P.S.
Abangan:
2 Battle Reports:
2 on 2 match laban sa 2 Pinoy (Allies) at isang pinoy at banyaga (Axis)
silentbreacher (Airborne) vs. katorinu (Tank Destroyer Tactics)
Friday, July 31, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment