Wednesday, November 4, 2009

Battle Report: Mga Hari ng Burol

Mapa: King of the Hill
Mga Manlalaro:
(Axis - Wehrmacht)
silentbreacher (Blitzkrieg Doctrine)
kan707 (Blitzkrieg Doctrine)
fuckito (Defensive Doctrine)
badonjo1st (Terror Doctrine)

(Allies)
CHESTERILIZERph (British) (Royal Commandos)
hitman5 (US) (Infantry Company)
Mechwarrior2000 (US) (Airborne Company)
oo0000oo (British) (Royal Engineers)

Shoutcast: sundan ang link na ito. (Gamitin ang inyong paboritong media player at i-play. Isabay itong pakinggan kasama ng replay sa ibaba.
Replay: sundan ang link na ito. Maari din dito. (Mapapanood ang replay na ito gamit ang version 2.601)

Isang salpukan ng mga manlalarong Pinoy at mga banyaga ang mababasa ninyo sa araw na ito.
Mula sa panig ng mga Aleman, purong lakas ng mga Pinoy ang masasaksihan samantala sa panig naman ng mga Allies, ang pinagsanib na pwersa ng mga batikang manlalarong sina Mechwarrior2000 at CHESTERILIZERph, kasama ng mga banyagang manlalaro ay magpapamalas ng umaatikabong aksyon sa larong ito.

Hinihikayat ko ang mga magbabasa ng report na ito na pakinggan at panoorin ang shoutcast at replay sa para sa mga detalye ng laban.

Humihingi ako ng paumanhin sa hindi pagbigay ng mga detalye sa BR na ito dahil marami pang maaksyon na laban ang nakahanda sa mga susunod na Battle Report.

Babala: ang mga susunod na babasahin ay naturang mga spoilers sa larong ito.


Mga Kalakasan at kahinaan:

Allies:Ang mga halimaw na manlalarong sina Mech at Chester bagamat kulang sa suporta sa kanilang mga kakampi ay nagawang punitin ang mga importanteng points ng Wehrmacht, partikular ang Airborne infantry ni Mechwarrior2000. Sa parte naman ni Chester ay naging mahinahon sya sa gitna ng walang sawang atake ng pinagsanib na pwersa nina kan707 at fuckito.
Ang nakita ko lang na kahinaan sa parte ng Allies ay ang mismong mga kakampi nito na mga banyaga dahil hindi ito sumunod sa bilis ng kanilang mga kasamang Pinoy sa unang parte ng laban. Kung hindi ako nagkakamali'y nawala rin sa laban si Chester dahil sya ay nadiskunek sa laro.

Wehrmacht:
Agresibo at walang humpay na pagpigil sa pwersa ni Chester, salamat sa mga makukunat na pioneers ni fuckito at sa suportang inilaan ni kan707 ay napwersa si Chester na lumikas sa ibabang bahagi ng mapa kung saan maaring magpa-lakas sa ekonomiya ng Allies. Sa kabilang banda, masayang nagmasid at sumira ng mga emplacements ang hukbo ni silentbreacher sa tagpong ito habang si badonjo1st naman ay sinikap na hawakan ang mga victory points sa itaas na bahagi ng mapa.

No comments:

Post a Comment