Tuesday, April 28, 2009

Battle Report: SatansKillingMachine (Blitzkrieg) VS. PEPunk (Infantry)

Unang una nais kong magpasalamat kay SatansKillingMachine sa pag-share ng kanyang replay. Ang replay na ito ay mapapanood sa mga version na ito: 2.501 at 2.502.

Ok! Narito tayong muli para sa isang panibagong Battle Report mga kaibigan! :D

Ang ating mga manlalaro sa araw na ito ay sa pagitan nina PEPunk (na hindi ko alam kung san sya nanggaling) at si SatansKillingMachine na kilala rin bilang si Kirchoffs sa TipidPC. Sandali lamang ang laban na ito at sa laban na ito ay makikita natin ang kalakasan at kahinaan ng US at Wehrmacht sa kanilang hukbo.

Ang mapang paglalabanan ay magmumula sa Langres, isa rin sa mga patok na mapa sa CoH. Masasabi kong lamang ang Wehrmacht sa mapa na ito... Bakit? Salamat sa 2 High Munitions Point na nasa bandang gitnang parte ng mapa. Ang sinumang makahawak ng mga gusaling nagbabantay sa mga points na ito ay siguradong tataas ang potensyal na magwagi sa laban. Teka, simulan na naten!

Si Satans ay nagmula sa hilagang parte ng Langres habang si PEPunk naman ang nasa itaas. Sabay itong nakagawa ng Barracks at ng Wehrmacht Quarters. Kinuha ng magkalaban ang mga points sa tabi lamang ng kanilang base. At habang nagka-cap ang 2 panig, ay lumabaas na sa Wehrmacht Quarters ang Heavy Machine Gun Squad ni Satans at ilang sandali pa'y nnakabuo na si PEP ng kanyang Rifleman squad.

Maagap na naglakad ang mga bugoy este HMG squad ni Satans para tumambay sa isa sa mga gusaling nabanggit ko kanina sa bandang kaliwang parte ng mapa, habang ang Rifleman squad naman ni PEP ay masayang nagka-cap ng kanyang strategic point sa baba lamang ng kanyang base.

Sakto lamang ang pagdating ng HMG squad ni Satans sa kaliwang gusali nang dumating na rin ang Rifleman squad ni PEP para kunin ang pangalawang strategic point sa kanan, nagawa pa ng isa sa mga rifleman na mamaril habang nagca-cap. Pero parang nagkape muna ang HMG ni Satans dahil ni isang kalabit ng gatilyo mula sa kanilang panig ay hindi naikalabit ng mga oras na iyon. At malayang nakatakas ang Rifleman squad ni PEP gayundin, ang strat point ay matagumpay na nakuha.

(Ang Unang Tagpuan)

Sa gawing kaliwa ng gusaling iyon ay kinakap na ni Satans ang Munitions point at ang rifleman ni PEP ay sinadyang kunin agad ang VP na nasa gitnang bahagi ng mapa. Sa tagpong ito, puro capping pa lamang ang nagaganap hanggang...

Nagsalpukan ang unang contact sa pinakakanang bahagi ng mapa, sinadya ni PEP ang pagkakataon na wakasan ang pangangahas ni Satans na kunin ang point. At nagawa ni PEP na wakasan ang buhay ng kawawang pio-squad ni Satans.

Sa puntong ito, napwersa rin ang isa pio squad ni Satans na umuwi dahil sa mga sigang Rifleman ni PEP at sa mga oras na ito'y sinisimulan na ni PEP ang pagnakaw sa mga points na nakuha ni Satans.

Sa mga oras na ito, papunta ang Pioneer squad ni PEP sa kaliwang bahagi ng mapa upang makabawi sa Engineer squad ni PEP. Nagkaron ng palitan ng putok sa magkabilang panig, ngunit nalimutan ni Satans gamitin ang munting puno mga ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Muling tumumba ang isa sa mga pioneer at napwersa ang huling pioneer na umatras sa babang bahagi ng mapa, ang Rifles ni PEP ay tinatangkang kunin ang medium munitions point, ngunit lingid sa kanilang kaalamanan ay nakatambay na pala ang Sniper ni Satans at sinamahan pa ito ng isang Pio squad na may nakatambang na Flammenwerfer.

Sa mga sandaling iyon ay napaatras ni Satans ang rifleman ni PEP, at bumalik ang akyson sa kaliwang bahagi ng mapa, ang Volkgrenadier squad ni Satans ang nasa opensiba, ngunit habang papalapit sila sa point, ang mga pwersa ni PEP ay paparating rin sa point na iyon at panibagong contact ang ating masasaksihan. Muli, nalimutan ni Satans gamitin ang malaking cover sa kanyang parte, bagkus, sinugod nya ang 2 squad na bagamat wala sa cover ay siguradong may tatamaan dahil wala rin sa cover ang mga Volks. Nagawa ni Satans pumatay ng ilang mga sundalo, ngunit napwersa rin syang bumalik sa kampo.

Pagbalik sa base ng mga Volks, agad itong kumuha ng panibagong kasapi at nagupgrade ng MP40. Binalikan nya ang rifleman ni PEP sa tangkang pumatay, sa pagkakataong ito, ginamit ni Satans ang cover ng maliit na puno, ngunit kilala nating ang US M1 Garand sa pagiging epektibo nito sa medium distance, at sa pagkakataong iyon, nagawa ni ni PEP na magbato ng granada sa nagtatagong Volks ni Satans, sa kasamaang palad, 3 volks agad ang namatay bago pa nakalapit sa effective distance ng MP40 at napwersa na naman itong umuwe.


Habang pauwi ang nagiisang Volks ni Satans ay nagkakaron na naman ng panibagong gulo sa kanang bahagi ng Langres, Sinugod ng Rifles ni PEP ang mga nagka-cap na pioneer squad ni Satans, Nabawasan muli si Satans ng pio ngunit armado ng flammen ang pio na ito. At sa tulong na rin ng sniper ni Satans, nakainstant kill sya agad sa mga sigang Rifles, at bago pa umatras ng tuluyan si Satans, nagluto ulit sya ng isang sundalong kano.

Sa mga oras na ito, lamang na lamang si PEP sa mga points ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Satans. Sa mga oras rin na ito, nagawa nyang matira sa isa ang isang rifle na nasa kaliwang bahagi ng mapa at pinaulanan ng mga labintador este assault grenades ang kawawang rifles. Ngunit dahil nga lamang si PEP sa resources, nakaamba kay Satans ang isang panganib. Naihanda na ni PEP ang kanyang Motor Pool at kasalukuyan na itong gumagawa ng isang M8 Armored Car.

Nagkaron pa ng ilang mga putukan sa kanang bahagi at lamang pa rin si PEP sa Victory Points, sinubukan ni Satans na kunin ang kanang munitions point ngunit sumugod ulit ito sa point habang may nakaabang na rifles at jeep. Hindi rin ito nakatagal dahil sa mga oras na iyon ay nasa Langres na ang kilabot na M8 ni PEP.

Tumagal ang laro na ang buong laban ay nasa pabor ni PEP. Dumating rin ang kinatatakutang Rangers ni PEP na nangangahulugang ang company commander na kanyang pinili ay ang Infrantry Company doctrine.

Sa mga oras na iyon ay hindi nag-aksaya ng oras ang M8 ni PEP at sinugod na nya ang kanyang M8 sa kaliwang gusali kung saan nakaabang ang HMG ni Satans. Nalagasan ang HMG ngunit napwersa rin ito ni Satans sa pamamagitan ng kanyang mga volks na gumamit ng Panzerfaust.

Sa mga oras na ito ay naging agresibo si PEP at kumuha ng mga points, dumating na rin ang mga Rangers na armado na ng M1A1 Thompson, sinubukan itong pigilan ni Satans ngunit ito ang naging resulta:


Sa mga oras rin na iyon, dahil alam na ni Satans na may armor na si PEP ay minabuti nyang magpwesto na ng isang PAK-48 sa kaliwang bahabi ng mapa.

Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa mga oras na iyon ay nakatambay sa base ang HMG squad ni Satans at naiwan ang PAK na mag-isa, naubos ang AT squad ni Satans at ang mga Rangers ngayon ang tumambay sa gusaling iyon. Ngunit sa kaiinitan ng aksyon nagawa ngayon ni Satans sugurin ang gusali gamit ang assault grenades at nilimas ang mga bruskong Rangers.

Bago ang maaksyong tagpong ito, nalimas rin ang pwersa ni Satans sa kanang bahagi ng mapa, salamat sa mga rangers at jeep ni PEP, namatay ang isang volks, pak at sniper ni Satans.

Samakatuwid, nananalo si PEP sa labang ito sa mga oras na ito...

Ngunit alam ni Satans na hindi pa tapos ang laban hangga't hindi pa tapos ang laban...

Sa pagbalik ng mga tropa ni PEP sa kanyang base, naisip nyang gumawa ng blob para sugpuin ang kahit na anong iharap ni Satans.

Ngunit ang pag-gawa ng blob ni PEP ang magdadala sa kanya sa kanyang kamalasan.

Habang pasugod si PEP sa kanang bahagi, ang kaninang nakatambay na HMG squad ni Satans ay naipwesto na sa lugar na tinatahak ng blob. At ilang saglit pa'y isang matinding putukan muli ang naganap. Ngunit sa pagkakataong ito, ang nag-iisang HMG squad ni Satans ang nagbago ng takbo ng laro.

Bagamat lamang hindi malubha ang pinsalang natamo ng blob ni PEP, nagkaron ito ng matinding psychological effect at dito nagsimula magbago ang takbo ng storya.

Sa puntong ito, nakagawa na ng M4 Sherman tank si PEP at sinugod sa kaliwang bahabi ng mapa, ngunit mayron nang PAK 38 na nakaabang ulit sa bahaging iyon at sinumulang yupiin ang tangke ni PEP, ngunit bago pa ito tuluyang mamatay ay napatay na muna ng Rangers ni PEP ang AT crew, subalit ang volks ni Satans at muling nagbabalik at pinalikas ang mga rangers. Sa puntong ito, ginamit ng mga natirang Volks ang PAK at winakasan ang buhay ng Sherman.

Sa pagsabog ng Sherman, ito ang sunod na mensaheng nabasa:

At doon nagtapos ang laban...

Sa tagpong ito, ang ibibigay ko ang panalo kay Satans. Bagamat lamang ang kanyang kalaban, Hindi sya pinanghinaan ng loob sa dami at tindin ng pagmamalabis ni PEP sa kanya. Kay PEPunk. 1 word. Excuses.

Mga kalakasan ni SatansKillingMachine:
  • Hindi pinanghinaan ng loob.
  • Maiiging paggamit ng Flamers
  • Tamang tamang pagdating ng HMG squad sa blob.
Mga kahinaan ni SatansKillingMachine:
  • Cover; Madalang at Maling paggamit.
  • Sobrang dami ng squad na namatay.
  • sobrang pagupgrade at hindi nagamit ng maayos (mp40)
Mga kalakasan ni PEPunk:
  • Mahusay na paggamit sa rifleman.
  • Alam kung kailan hihinto at bumaril (kunektado sa rifleman)
  • Agresibo
Mga Kahinaan:
  • Masyadong nawalan ng focus sa mapa, hinayaan ang kanyang advantage na mawala sa pamamagitan ng pag-ttech ng wala sa oras. Mas mabuti kung gumamit sya ng mga mina sa mga paglapit ni Satans habang ito'y masayang nageenjoy sa kanyang mga resources.
  • Minaliit ang flamers ni Satans.
  • Hindi kumuha ng points habang nagpapalakas si Satans.
  • Nagquit nang wala sa oras.
  • Sa simula lang nagamit ng maayos ang M8.
Tumagal ang laban ng 21:52. Masasabi kong parehong dumating sa punto ng laban na may mga ilan sa kanilang mga units ang hindi gumagalaw. Isang bagay na matindi rin epekto sa ikagaganda ng laban. Pero sa labang ito, nagpamalas ang dalawang manlalaro ng kanilang mga galing sa paglaro, ngunit sa huli, pinatunayan ng ating kababayang si SatansKillingMachine a.k.a. Kirchoffs na hindi tapos ang laban hangga't hindi tapos ang laban. Patay kung patay. Hehe.

Muli ito po ang inyong abang lingkod na si silentbreacher, nag-uulat para sa Pinoy Company of Heroes!

P.S.
Para mapanood ang replay: Maaring panoorin ang nasabing laro sa inyong client sa pagdalaw sa link na ito (muli maraming maraming salamat Kirchoffs!)

Sunday, April 19, 2009

Battle Report: Silentbreacher vs. Mechwarrior2000

Sa wakas! Panibagong Battle Report!

Una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin sa delay ng pagppost dito sa Pinoy Company of Heroes dahil kulang ako ngayon sa oras para gumawa ng mga reports, at ang mga dati kong nagawang battle reports ay malabo nang mapanood salamat sa pag-update ng karamihan sa Tales of Valor.

Pero wag na nating patagalin to. Masaya akong ihatid sa inyo ang Battle report sa pagitan ni Mechwarrior2000 (kilala rin bilang si Kulangot sa hamachi) at ang inyong abang lingkod, silentbreacher.

Naglaban ang mga manlalaro sa Angoville. Kinuha ni silentbreacher ang bahaging timog at hawak ni Mechwarrior2000 ang hilaga.

Mapapansin rin natin sa larong ito na Annihilate mode ang laban at hindi Victory Points ang batayan upang manalo sa laro.

Pero hindi ko na ibibigay ang detalye ng laro, minabuti ko nang ipost ang replay at ang shoutcast na inihanda ko para sa inyo.

Para sa replay, sundan at idownload ang link na ito: http://files.filefront.com/13626467

at para sa shoutcast, puntahan naman ang link na ito: http://files.filefront.com/13626680

Sandali lang ang laban na ito ngunit mapapansin ang maaksyon na laban sa pagitan ng 2 manlalaro. Abangan natin kung sino ang nanalo!

---
Nakikiusap rin ako sa mga pinoy na manlalaro ng Company of Heroes, kung sino man sa inyo na may laban na gustong ipamahagi sa site na ito, huwag po kayong mag-atubiling ibigay ang link sa inyong mga replays o di kaya'y isend nyo sa: silentbreacher@gmail.com para magawan natin ng battle report! Ayos ba?

Monday, April 13, 2009

Basic Tip: Cover

Inisip ko kahapon kung ipopost ko ang laban sa pagitan ng inyong abang lingkod at ni StrEagle, isa sa mga bagong users sa hamachi network na pinaglalaruan ko. Dahil inisip kong humina na ng tuluyan ang aking paglalaro ng CoH, naisip kong magsanay ulit salamat sa adik na AI ng 2.501.

Kaya pagsabak sa labanan ay puspusang harassment ang aking ginawa. Ngunit imbes na magkaron ng isang gg sa katapusan, nasisisi pa ako dahil daw "lag".

Sa isip2x ko, "Lag? Nagpapatawa ka ba?" Hindi rin ako makakagalaw kung lag ka.

Anyway, saka na natin pagusapan ang replay na iyon. Nabanggit ko na rin lang ang gunggong na StrEagle na yun dahil akala nya nandudugas ako, pero ang hindi nya alam, ay hindi nya ginagamit ang isa sa pinakaimportanteng aspeto ng laro.

Cover.

Sa tunay na buhay, sino ba naman ang matutuwa kung nasa gitna ka ng putukan? Ikumpara mo ang iyong sarili na nakatago sa isang bariles o damuhan kaysa nasa gitna ka nang kalsada.

Sa engkwentrong ito, mapapansin natin ang na ang mga grenadier squad ay nakaposisyon na paharap sa pader, dahil dito, ang bawas sa buhay ng mga naturang squad ay higit na mababa kaysa sa mga PE grenadier squad na nakatambay sa ilalim lamang ng victory point. Dahil sa cover, ang mga squad na nasa loob ng cover ay matatagalan bago ito tuluyang ma-pin ng mga suppression squads o units.

Gayundin, kahit aling infantry unit na nakapasok sa isang building ay siguradong pasok sa cover, at hinding-hindi ito mapi-pin hindi katulad ng mga units na nasa labas nang bakbakan.

Sa kabilang banda, mayron ring panabla sa cover, gaya ng mga flamethrowers at mortars. Asahan mong tustado ka o kaya'y lasog2x ang katawan mo kung hindi ka agad aalis sa tinatambayan mong lugar.

Sa Wakas!!!

Maraming salamat sa aking kalaro sa Hamachi na si Mainstream, nakagawa sya ng paraan upang malaro na ng tuluyan ang patch na nadownload namin sa Relic, ngayon gumagana na ang Tales of Valor sa aking PC!

Pansamantala muna akong nahinto sa paggawa ng mga tips at mga replays dahil marami rin akong ginagawa IRL. Sana'y maintindihan nyo ang pansamantalang hiatus na nagaganap sa Pinoy COH.

Wala pa akong makitang magagandang replays na maaring mai-shoutcast sa 1 on 1, ngunit abangan nyo ang 2 on 2 Battle Report na gagawin ko at marahil ito ang pinakamagandang 2 on 2 match na napanood ko simula nang maglaro ako ng Company of Heroes!

Wednesday, April 8, 2009

Fail...

Oo nadownload ko na ang torrent ng Tales of Valor, pero sa kasamaang palad, para malaro mo ang mga bagong campaigns ng laro ay kelangan mo pa rin ang serial key ng Tales of Valor.

Sa 2.5 patch at 2.501 (na hindi ko pa naddl), mahahalata na ang mga pagbabago sa main menu pa lamang. Isa sa mga bagong menu na napansin ko doon ay shempre unang una ang 3 bagong campaigns. At sa mga multiplayer games, mayroon rin silang mga bagong pakulo gaya ng Stonewall at yung isa nalimutan ko. Hehe.

Syet regaluhan nyo na ko neto!!!!!!!!! Parang awa nyo na!!!

Bagamat hindi ko malaro ang mga bagong pakulo ng Tales of Valor, malalaro pa rin ito na parang Opposing Fronts style, at shempre nailapat na ang 2.5 patch. Nabanggit na rin dito na inayos na ang karamihan sa mga bugs na nakita sa 2.4.

Sana nga...

Ulitin ko na lang... REGALUHAN NYO KO NETO!!! WAAA!!!

Sunday, April 5, 2009

Anong nangyari Relic sa Version 2.4?

Marami ang naghangad na magiging maayos na ang 2.4 patch ng Company of Heroes, ngunit nabigo ang karamihan sa ating mga manlalaro dahil sa iniwang mga bugs ng mga nag-ayos ng version 2.301. Ang aking hinahanangaang manunulat ng Rifles Ready! na si Corkscrewblow ay tuluyang umusok ang ilong sa nasabing kapalpakan.

Hindi kaya sinadya ng Relic ang mga bagay na ito para sa paglabas ng Tales of Valor ay masasabing pulido na ang lahat?

Sana naman hindi magaya ang Relic sa isang gaming company na wala nang ginawa kung hindi magpatakam. Kilala nyo na siguro kung sino ang tinutukoy kong kumpanya...

Para sa official bug list at artikulo na ginawa ni Corkscrewblow, dalawin ang Rifles Ready! para sa mga pinakamaiiinit na balita patungkol sa Patch 2.4.

Wednesday, April 1, 2009

Battle Report: 12azor (Airborne) vs. Kodachrome (Terror)

Gaya ng aking pinangako, ang unang Battle Report! Ang mapa na paglalabanan ay ang pamosong Angoville sa pagitan ng mga ranked players ng Company of Heroes na sina 12azor at Kodachrome. Galing ang laro na ito sa gamereplays.org at simulan na naten agad!

Nagsimula ang laban sa pagbuo ng 2 pioneers at 2 engineers ng magkalabang pwersa at tinangkang kunin ni Kodachrome ang High Fuel point sa kaliwang parte ng mapa, subalit ang isang engineer squad ni 12azor ay naispatan ang nag-ccap na pioneer at napwersa itong umuwi. Habang pauwi ang mga pioneer squad ay parating na ang Volksgrenadier squad ni Koda para tangkaing muli ang pagkuha sa point, subalit ang Rifleman squad ni 12azor ay nasa kanang parte lamang ng point na iyon at panibagong putukan na naman ang naganap.


Kumuha agad ng cover si Kodachrome ngunit hindi rin kinaya ng mga Volks ang mga Rifleman at napilitan itong umatras sa gitna ng putukan. Ngayon ang high fuel point sa kanan ay kinukuha naman ni 12azor subalit ang motorcycle ni Koda ay sinimulang samantalahin ang pagkakataon na itigil ang pagc-cap ni 12azor. Naging matagumpay si Koda na paatrasin ang mga engineers ni 12azor at tinuluyan ngayon ni Koda na ibarikada ang daan papunta sa kanang side ng high fuel point.

Medic!!!
Tingnan naten kung makapasok pa kayo dito...

Dahil sa pagharang ni Kodachrome ay nagawa nyang makuha ang high fuel point sa kanan at lumalabas ngayon na hawak ni Koda ang hilagang bahagi ng mapa at kay 12azor ang silangan. Subalit sa puntong ito, ang 2 victory points ng Angoville ay hawak ngayon ni 12azor.

Ngunit hindi nagtagal ang barikadang ginawa ng mga Volks nang tangkain ni 12azor na kunin ang importanteng strategic point ni Koda sa baba lamang ng kanyang base at nabaling ang atensyon ni Koda na protektahan ito, sa pagtangka ni 12azor na kunin ang point, may nakaabang na Volksgrenadier squad sa haystack na nagbibigay ng green cover (magandang linya ng depensa) ngunit sa lakas ng mga Garang ng mga rifleman ay napaatras muli ang mga volks. Ang mga rifleman ngayon ay pinauulanan ng motorcycle na ginamit ni Koda sa pagabante ni 12azor sa kanang fuel point ngunit may paparating na isa pang rifleman squad galing kay 12azor.

Pinilit ni 12azor na wakasan ang pag-andar ng mga volks ngunit hindi na nakaporma ang mga rifleman nang matanaw sila ng nakatambay na Heavy Machine Gun squad ni Koda, napwersa silang umuwi, ngunit habang nagkakagulo sa hilagang parte ng mapa ay nasira na pala ng mga engineer ni 12azor ang barbed wires na ginawa ni Koda at sinimulan nya nang kunin ang fuel point sa kanan.

Lumalabas ngayon na nagkakaron ng matinding agawan sa bawat points ang magkalaban. Nagkaron rin ng pagkakataon na kunin ngayon ni Koda ang mga victory points hanggang sa nagsimulang lumabas ang M8 Armored Car ni 12azor. Agad rin naman itong nirespondehan ni Koda ng kanyang mga Pak 28 Anti-tank gun.


Pioneers: Puta Uwe!!!

Bagamat nagagawa pa rin ni Koda na makapagpwesto ng mga Pak38, hindi rin ito nagamit ng husto dahil na rin sa mga barikadang ginawa nya. Napilitan na si Koda na magsanay ng Grenadier squad na may Panzerschrek upgrade, sinubukan ni Koda na itaboy ang M8, subalit si 12azor naman ay nakapagpundar na ng sapat na langis para makagawa ng Triage Center, at ang kinatatakutang BAR upgrade ng mga rifleman.

Sa matinding micro-management na ginawa ni 12azor ay nagawa nyang maipit na ng tuluyan si Koda. Subalit pinagpatuloy pa rin ni Koda na lumaban hanggang sa huli.

-------

Sa kasamaang palad, dahil sa bagal ng aking upload rate ay hindi ko pag mauupload ang Shoutcast na ginawa ko para Battle Report na ito, ngunit para sa mga nais panoorin ang replay nina Kodachrome at 12azor, dalawin nyo lang ang link na ito. Hanggang sa muli!