Tuesday, April 28, 2009

Battle Report: SatansKillingMachine (Blitzkrieg) VS. PEPunk (Infantry)

Unang una nais kong magpasalamat kay SatansKillingMachine sa pag-share ng kanyang replay. Ang replay na ito ay mapapanood sa mga version na ito: 2.501 at 2.502.

Ok! Narito tayong muli para sa isang panibagong Battle Report mga kaibigan! :D

Ang ating mga manlalaro sa araw na ito ay sa pagitan nina PEPunk (na hindi ko alam kung san sya nanggaling) at si SatansKillingMachine na kilala rin bilang si Kirchoffs sa TipidPC. Sandali lamang ang laban na ito at sa laban na ito ay makikita natin ang kalakasan at kahinaan ng US at Wehrmacht sa kanilang hukbo.

Ang mapang paglalabanan ay magmumula sa Langres, isa rin sa mga patok na mapa sa CoH. Masasabi kong lamang ang Wehrmacht sa mapa na ito... Bakit? Salamat sa 2 High Munitions Point na nasa bandang gitnang parte ng mapa. Ang sinumang makahawak ng mga gusaling nagbabantay sa mga points na ito ay siguradong tataas ang potensyal na magwagi sa laban. Teka, simulan na naten!

Si Satans ay nagmula sa hilagang parte ng Langres habang si PEPunk naman ang nasa itaas. Sabay itong nakagawa ng Barracks at ng Wehrmacht Quarters. Kinuha ng magkalaban ang mga points sa tabi lamang ng kanilang base. At habang nagka-cap ang 2 panig, ay lumabaas na sa Wehrmacht Quarters ang Heavy Machine Gun Squad ni Satans at ilang sandali pa'y nnakabuo na si PEP ng kanyang Rifleman squad.

Maagap na naglakad ang mga bugoy este HMG squad ni Satans para tumambay sa isa sa mga gusaling nabanggit ko kanina sa bandang kaliwang parte ng mapa, habang ang Rifleman squad naman ni PEP ay masayang nagka-cap ng kanyang strategic point sa baba lamang ng kanyang base.

Sakto lamang ang pagdating ng HMG squad ni Satans sa kaliwang gusali nang dumating na rin ang Rifleman squad ni PEP para kunin ang pangalawang strategic point sa kanan, nagawa pa ng isa sa mga rifleman na mamaril habang nagca-cap. Pero parang nagkape muna ang HMG ni Satans dahil ni isang kalabit ng gatilyo mula sa kanilang panig ay hindi naikalabit ng mga oras na iyon. At malayang nakatakas ang Rifleman squad ni PEP gayundin, ang strat point ay matagumpay na nakuha.

(Ang Unang Tagpuan)

Sa gawing kaliwa ng gusaling iyon ay kinakap na ni Satans ang Munitions point at ang rifleman ni PEP ay sinadyang kunin agad ang VP na nasa gitnang bahagi ng mapa. Sa tagpong ito, puro capping pa lamang ang nagaganap hanggang...

Nagsalpukan ang unang contact sa pinakakanang bahagi ng mapa, sinadya ni PEP ang pagkakataon na wakasan ang pangangahas ni Satans na kunin ang point. At nagawa ni PEP na wakasan ang buhay ng kawawang pio-squad ni Satans.

Sa puntong ito, napwersa rin ang isa pio squad ni Satans na umuwi dahil sa mga sigang Rifleman ni PEP at sa mga oras na ito'y sinisimulan na ni PEP ang pagnakaw sa mga points na nakuha ni Satans.

Sa mga oras na ito, papunta ang Pioneer squad ni PEP sa kaliwang bahagi ng mapa upang makabawi sa Engineer squad ni PEP. Nagkaron ng palitan ng putok sa magkabilang panig, ngunit nalimutan ni Satans gamitin ang munting puno mga ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Muling tumumba ang isa sa mga pioneer at napwersa ang huling pioneer na umatras sa babang bahagi ng mapa, ang Rifles ni PEP ay tinatangkang kunin ang medium munitions point, ngunit lingid sa kanilang kaalamanan ay nakatambay na pala ang Sniper ni Satans at sinamahan pa ito ng isang Pio squad na may nakatambang na Flammenwerfer.

Sa mga sandaling iyon ay napaatras ni Satans ang rifleman ni PEP, at bumalik ang akyson sa kaliwang bahagi ng mapa, ang Volkgrenadier squad ni Satans ang nasa opensiba, ngunit habang papalapit sila sa point, ang mga pwersa ni PEP ay paparating rin sa point na iyon at panibagong contact ang ating masasaksihan. Muli, nalimutan ni Satans gamitin ang malaking cover sa kanyang parte, bagkus, sinugod nya ang 2 squad na bagamat wala sa cover ay siguradong may tatamaan dahil wala rin sa cover ang mga Volks. Nagawa ni Satans pumatay ng ilang mga sundalo, ngunit napwersa rin syang bumalik sa kampo.

Pagbalik sa base ng mga Volks, agad itong kumuha ng panibagong kasapi at nagupgrade ng MP40. Binalikan nya ang rifleman ni PEP sa tangkang pumatay, sa pagkakataong ito, ginamit ni Satans ang cover ng maliit na puno, ngunit kilala nating ang US M1 Garand sa pagiging epektibo nito sa medium distance, at sa pagkakataong iyon, nagawa ni ni PEP na magbato ng granada sa nagtatagong Volks ni Satans, sa kasamaang palad, 3 volks agad ang namatay bago pa nakalapit sa effective distance ng MP40 at napwersa na naman itong umuwe.


Habang pauwi ang nagiisang Volks ni Satans ay nagkakaron na naman ng panibagong gulo sa kanang bahagi ng Langres, Sinugod ng Rifles ni PEP ang mga nagka-cap na pioneer squad ni Satans, Nabawasan muli si Satans ng pio ngunit armado ng flammen ang pio na ito. At sa tulong na rin ng sniper ni Satans, nakainstant kill sya agad sa mga sigang Rifles, at bago pa umatras ng tuluyan si Satans, nagluto ulit sya ng isang sundalong kano.

Sa mga oras na ito, lamang na lamang si PEP sa mga points ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Satans. Sa mga oras rin na ito, nagawa nyang matira sa isa ang isang rifle na nasa kaliwang bahagi ng mapa at pinaulanan ng mga labintador este assault grenades ang kawawang rifles. Ngunit dahil nga lamang si PEP sa resources, nakaamba kay Satans ang isang panganib. Naihanda na ni PEP ang kanyang Motor Pool at kasalukuyan na itong gumagawa ng isang M8 Armored Car.

Nagkaron pa ng ilang mga putukan sa kanang bahagi at lamang pa rin si PEP sa Victory Points, sinubukan ni Satans na kunin ang kanang munitions point ngunit sumugod ulit ito sa point habang may nakaabang na rifles at jeep. Hindi rin ito nakatagal dahil sa mga oras na iyon ay nasa Langres na ang kilabot na M8 ni PEP.

Tumagal ang laro na ang buong laban ay nasa pabor ni PEP. Dumating rin ang kinatatakutang Rangers ni PEP na nangangahulugang ang company commander na kanyang pinili ay ang Infrantry Company doctrine.

Sa mga oras na iyon ay hindi nag-aksaya ng oras ang M8 ni PEP at sinugod na nya ang kanyang M8 sa kaliwang gusali kung saan nakaabang ang HMG ni Satans. Nalagasan ang HMG ngunit napwersa rin ito ni Satans sa pamamagitan ng kanyang mga volks na gumamit ng Panzerfaust.

Sa mga oras na ito ay naging agresibo si PEP at kumuha ng mga points, dumating na rin ang mga Rangers na armado na ng M1A1 Thompson, sinubukan itong pigilan ni Satans ngunit ito ang naging resulta:


Sa mga oras rin na iyon, dahil alam na ni Satans na may armor na si PEP ay minabuti nyang magpwesto na ng isang PAK-48 sa kaliwang bahabi ng mapa.

Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa mga oras na iyon ay nakatambay sa base ang HMG squad ni Satans at naiwan ang PAK na mag-isa, naubos ang AT squad ni Satans at ang mga Rangers ngayon ang tumambay sa gusaling iyon. Ngunit sa kaiinitan ng aksyon nagawa ngayon ni Satans sugurin ang gusali gamit ang assault grenades at nilimas ang mga bruskong Rangers.

Bago ang maaksyong tagpong ito, nalimas rin ang pwersa ni Satans sa kanang bahagi ng mapa, salamat sa mga rangers at jeep ni PEP, namatay ang isang volks, pak at sniper ni Satans.

Samakatuwid, nananalo si PEP sa labang ito sa mga oras na ito...

Ngunit alam ni Satans na hindi pa tapos ang laban hangga't hindi pa tapos ang laban...

Sa pagbalik ng mga tropa ni PEP sa kanyang base, naisip nyang gumawa ng blob para sugpuin ang kahit na anong iharap ni Satans.

Ngunit ang pag-gawa ng blob ni PEP ang magdadala sa kanya sa kanyang kamalasan.

Habang pasugod si PEP sa kanang bahagi, ang kaninang nakatambay na HMG squad ni Satans ay naipwesto na sa lugar na tinatahak ng blob. At ilang saglit pa'y isang matinding putukan muli ang naganap. Ngunit sa pagkakataong ito, ang nag-iisang HMG squad ni Satans ang nagbago ng takbo ng laro.

Bagamat lamang hindi malubha ang pinsalang natamo ng blob ni PEP, nagkaron ito ng matinding psychological effect at dito nagsimula magbago ang takbo ng storya.

Sa puntong ito, nakagawa na ng M4 Sherman tank si PEP at sinugod sa kaliwang bahabi ng mapa, ngunit mayron nang PAK 38 na nakaabang ulit sa bahaging iyon at sinumulang yupiin ang tangke ni PEP, ngunit bago pa ito tuluyang mamatay ay napatay na muna ng Rangers ni PEP ang AT crew, subalit ang volks ni Satans at muling nagbabalik at pinalikas ang mga rangers. Sa puntong ito, ginamit ng mga natirang Volks ang PAK at winakasan ang buhay ng Sherman.

Sa pagsabog ng Sherman, ito ang sunod na mensaheng nabasa:

At doon nagtapos ang laban...

Sa tagpong ito, ang ibibigay ko ang panalo kay Satans. Bagamat lamang ang kanyang kalaban, Hindi sya pinanghinaan ng loob sa dami at tindin ng pagmamalabis ni PEP sa kanya. Kay PEPunk. 1 word. Excuses.

Mga kalakasan ni SatansKillingMachine:
  • Hindi pinanghinaan ng loob.
  • Maiiging paggamit ng Flamers
  • Tamang tamang pagdating ng HMG squad sa blob.
Mga kahinaan ni SatansKillingMachine:
  • Cover; Madalang at Maling paggamit.
  • Sobrang dami ng squad na namatay.
  • sobrang pagupgrade at hindi nagamit ng maayos (mp40)
Mga kalakasan ni PEPunk:
  • Mahusay na paggamit sa rifleman.
  • Alam kung kailan hihinto at bumaril (kunektado sa rifleman)
  • Agresibo
Mga Kahinaan:
  • Masyadong nawalan ng focus sa mapa, hinayaan ang kanyang advantage na mawala sa pamamagitan ng pag-ttech ng wala sa oras. Mas mabuti kung gumamit sya ng mga mina sa mga paglapit ni Satans habang ito'y masayang nageenjoy sa kanyang mga resources.
  • Minaliit ang flamers ni Satans.
  • Hindi kumuha ng points habang nagpapalakas si Satans.
  • Nagquit nang wala sa oras.
  • Sa simula lang nagamit ng maayos ang M8.
Tumagal ang laban ng 21:52. Masasabi kong parehong dumating sa punto ng laban na may mga ilan sa kanilang mga units ang hindi gumagalaw. Isang bagay na matindi rin epekto sa ikagaganda ng laban. Pero sa labang ito, nagpamalas ang dalawang manlalaro ng kanilang mga galing sa paglaro, ngunit sa huli, pinatunayan ng ating kababayang si SatansKillingMachine a.k.a. Kirchoffs na hindi tapos ang laban hangga't hindi tapos ang laban. Patay kung patay. Hehe.

Muli ito po ang inyong abang lingkod na si silentbreacher, nag-uulat para sa Pinoy Company of Heroes!

P.S.
Para mapanood ang replay: Maaring panoorin ang nasabing laro sa inyong client sa pagdalaw sa link na ito (muli maraming maraming salamat Kirchoffs!)

No comments:

Post a Comment